Chpater 2 Isabelle book 3
Rumaragasak si Isa papunta sa office ni Richard sa Pacific Star...hindi nya tinitignan ang mga dinadaanan...at nag mamadali papasok ng eleva†or...sinigitan nya ang lahat ng naka pila dun...
Pag bukas ng elevator sa floor ng Metro Corp...ay dali dali syang nag punta sa office ng kanyang kapatid si Richard...pinigilan sya ng secretary sa labas ng office ni Richard..pero nabigo ito..naka salubong ang mga kilay ni Isabelle sa galit...
Binuksan ang pinto ng opisina ni Richard at ini hampas ito pasara...
"NOW TELL ME...ANO ITONG LETTER GALING SA ABOGADO NATIN"
"Isa..Isa...calm down....that's nothing....ano ka ba"
"CALM DOWN MY A-S-S....HA-YOP KA..YOU ARE FREEZING MY SHARES IN THIS COMPANY...to think akala mo..pipirmahan ko lahat ng binibigay mosakin...NOW EXPLAIN"
"Isa...diba..you are working dun sa kalaban natin...I mean...diba..baka gamitin ka nila to fight against me"
"AH GANUN HA....SABI NA NGA BA...YOU ARE EVIL...at tama si boy"
"ahhh..si boy ulit....OO..KAYA KO GINAWA YAN...DAHIL BALIW NA BALIW KA DUN SA BOY MO"
at binato ni Richard ang mga papel at folder sa bintana..sa galit nya kay Isa....
"Talaga lang ha....bakit...ikaw..hindi ka ba nabaliw sa kanya dati?"
"SHUT UP...wala kang alam"
"talaga...oo..habang nag lalagalag ako..and finding out my true self...andito ka..nababaliw sa kanya diba...kaya prinomote mo sya.."
"I PROMOTED HIM BECAUSE HE WAS NUMBER 1 IN SALES"
"talaga lang kuya ha....hmmm.....alam ba ito ni Sofia?....ang munti mong asawa...na hindi nya alam..kung ano pinag gagawa mo dito sa loob ng opisina mo?"
"YOU SHUT UP....don't include her in our problems...."
"Well kuya...ikaw nag simula ng away na to..pwes ako mag tatapos...simula ng namatay si mommy at daddy....kala mo makakaya moko....well.well..well... (naglakad si Isa sa harap ni Richard)
"Pwes..nagkakamali ka kuya...may isip nako...at oo..marami akong natutunan sa Thailand...at kay boy....kahit alam ko na mahal nya ay isa ding lalake....parehas lang naman tayo diba..and up to now...mahal mo pa din sya diba....hahahahahaha..poor kuya...at least ako...kasama ko sya sa office..ikaw...NADA....bokya...ni anino ni boy...hindi mo nakikita...POOR RICHARD!!!"
"STOP IT!! B-I--T-CH!!!"
"hahahaha..masakit ba kuya...brother and sister..in love sa isang lalake..na in love naman sa iba....pathetic!....well here is your signature that you are waiting for"
habang..pinupunit ng dahan dahan ni Isabel ang papel na may power of attorney..freezing of her shares in the company, etc....
"ETO....ETO....ETO PA " habang pinupunit nya isa isa...
"Well..I have to go back to the office..may meeting pa kami...kagagaling lang ni boy sa Cebu....by the way..my lawyers will contact you...I will sell my shares in this comapny..and there's nothing that you can do about it kuya....teka..KUYA BA...OR ATE?"
"f-u-ck...you!!!!"
"bye kuya"
end of part 1
Part 2...sa boardroom ng Mega Pacific...Paseo de Roxas
Nakaupo lahat ng mga boardmembers...pati ang kanilang mga executive assistant...mga 50 ang laman ng boardroom..ang iba ay naka tayo na....andun na sa loob si Isabelle.....ang ina antay nalang ay si boy at jake...na asa office pa nilang dalawa....
tumawag si boy sa phone
"jake.ready ka na"
"sige..punta na tayo..sino ba mag sasalita..ikaw o ako"
"jake..ikaw ang may ari ..tauhan lang ako"
"beh...tayong dalawa"
"jake..please..."
"okay"
Pumasok na si boy at jake sa loob ng board room....medyo siksikan...
Nagsimula si boy mag salita...
"ladies and gentlemen...we just like to tackle some issues here regarding our company...as you can see..we did not invite the media..and as you all know..all of you had this last minute notice in your email or via your secretaries....."
"so can we start..what is this all about?" sabat ni Niko Umali...anak ni Johnny Umali..na minority shareholder nalang...
Bigla ng tumayo si Jake..at nag salita...
"Boy..ako na...Well...good morning to you all.....let us make this brief and simple..."
"I think we should...we all have some work to do right?" sabat ulit ni Niko...
" Of course Niko....and I know your late father Johnny has really work hard in this company...now...in regards to the ambush interview of miss Carla sa TV..I would just like to settle some rumors here about what was said.....
First..my son is not her son...we were just partners...and nothing happened between us...and it's also not true..that she stole JRC holdings from me...that was her company...we just had a joint venture in San Jose during that time...."
Medyo nag kagulo sa boardroom....marami nag usap ng pabulong.....
"Now..in regards to San Jose...I think there is a future in that part of the country...I mean.naka tayo na ang international airport dun..and promoting this to be a retirement village of the world...with it's golf courses...the white sand in the nearby towns...the malls JRC is building...I think..we have to venture and catch up with JRC and Mega Corp in Iloilo...."
"Jake...look...ni wala tayong hawak dun kahit isang lupa sa paso"
"I know...I know...but we can start buying...and since I with Lilibeth control the majority..."
"but jake..don't you think its too late..prices has gone up..we don't have any levarage anymore..ang JRC at Metro...nabili nila yun..after the baha..mura pa lang"
"yes..I know that...but we have to look at the profit later on...even if we build a project in metro manila..it is the same forumula..mahal ang lupa..dadaanin nalang natin sa ganda ng building and the amenities..."
"well jake..show us your plan...then we will see..you need a good approach..but we will not vote to gamble..in a project wherein..our competitors has already a big edge over us...and I heard..JRC is still buying..even Metro..in the nearby towns..."
"okay guys...I will come back with a good proposal..even though I control this company..I know I'm not the majority;...you are..the shareholders...so hindi ko ito ipipilit sa inyo...give me a week..and I will come up with a good plan..for San Jose"
"sure..let's give it a try..we trust you jake..just don't dive in shallow waters"
"hahaha..sure...thanks...that's it...meeting adjourned"
Nagsitayuan ang lahat ng tao sa loob ng boardroom..maingay..may mga pagkain..kape..sa gilid ng boardroom..ang iba..nag mamadali na sa kanilang other meeting or trabaho pa....
Naka titig lang si Isabel sa bintana...nag iisip ng malalim...nadinig nya ang meeting...maya maya..ay bumalik na ito sa opisina nya...opisina na katabi lang ni boy...sya ang marketing head...na under ni boy and department...
end of part 1 chapter 2
part 2 Chapter 2 book 3 Isabelle
Pag upo ni Isa sa desk nya..at nag dial agad ito ng telepono....
"hoy sarah"
"oh...bakit"
"don't tell me tulog ka pa din"
"oo...nag clubbing kami nila jobert...saka lasing ako"
"pwes..bumangon ka dyan..mag lunch tayo...kahit mga 2 pm na"
"ano ba yan...puyat nga tao...."
"hoy.....kala ko ba bestfriend kita..eto ako nag work na..dahil sayo..diba..ngayon..I need your advice"
"huh...ano ba yan..sure ka bang importante yan...antok nga tao ehh"
"can you tell your maid...mag brew na ng industrial strength coffee...basta..pasundo kita sa driver...mga 1:30..then kita tayo sa Penn"
"what..Penn pa...ano ba yan...maga nga mga mata ko noh...tapos..expose mo pa ako sa penn"
"sige sige..dun nalang tayo sa tago...sa bagong lolodads...yung dating giraffe..tahimik dun..."
"talaga..may bago...sarap kaya ng pagkain nila..mahal lang nga..pero sige..since treat moko diba...bestfriend"
"ay si landi..nabuhayan..basta masarap na pagkain"
"sige sige..1:30"
"thanks bestfriend...."
Sumama na si Isa sa pagsundo kay sarah...na nakatira lang sa isang village sa makati....at pag upo ni sarah sa loob ng kotse ay nag usap agad ang dalawa..
"bruha...antok ka pa din"
"oo naman Isa..ikaw talaga..this better be interesting ha"
"oo naman...kelan ba kita kinausap na hindi ka nabibigla"
"sabagay...kaya nga kita bestfriend..ikaw nagbibigay sakin ng excitement..hahahahaha..appear bestfriend"
at nag appear sila ng kamay...masaya silang dalawa...bumaba sila sa lolodads na bago sa makati....umupo sila sa sulok....at dun sila nag order at nag usap...
"give her brewed coffee..if you have a pitcher..then yun"
"sobra ka naman!..no a cup will be fine" sabat ni sarah
Nag order sila ng pagkain..at nag ayos sila ng mga gamit nila....
"okay bestfriend ano yun" sabat ni sarah
"well...nag away kami ni kuya"
"huh..yun lang ba..eh diba parati naman"
"teka..ikaw talaga!"
"now...alam ko..kuya is manipulating all my shares..my money...na dati eh wala akong paki....pero sarah..it's about time..that I have to decide on my own"
"and.......?"
"so I will sell my shares to kuya"
"are you kidding?"
"no I'm not"
"at san mo dadalhin ang pera"
"yun....yun ang tanong diba"
"ano..mamimili ka ng boyfriend..or bibilhin mo si boy..at kukunin mo kay jake ganun ba?"
"hindi ahhh....tanggap ko naman ang relationship nila...at hindi ako nagseselos sa lalake sarah"
"hay..here we go again....nag sasalita ang baliw..in love sa isang bakla"
"hoy.hindi sya bakla..lalaking lalaki kaya si boy"
"si jake ang bading ahh..hindi si boy...na influensyahan nya lang si boy ko"
"alam mo bestfriend...boba ka din...pag ang lalake pumatol sa kapwa lalake..bading na yun"
"hindi ahh..san mo nanaman nakuha yang theory na yan?"
"eh di dun sa mga forums....sa pinoyexchange..dami kayang bading dun sa alternative lifestyle..pati nga mga babae..alam mo ba bestfriend..ang dami ahhhh.....natatawa nga ako sa mga sinusulat dun"
"ehmmmm....baka naman...ikaw din may tendency...."
"oy..wala ahh.."
"kung ganon..bakit wala ka pa ding asawa"
"hay...Isa...nag eenjoy ako sa buhay single..inom..clubbing..out of town..lahat.."
"baka mamaya..marinig ko nalang...andun ka na sa forum..hahahahaha yung fem to fem only"
"hahahahaha..sira..malay mo...pero alam mo..sabi ng ibang barkada natin..naka tikim na daw sila..at masarap daw dumila ang tomboy"
"talaga lang ha...ay nako..wala ng tatalo sa dila ng boy ko"
"alam mo..bestfriend..baliw ka din noh..minsan mo lang natikman sya..tapos hindi mo na makalimutan"
"bestfriend...naniniwala ka ba dun sa reincarnation...parang nagkasama na kasi kami ni boy sa past life"
"kabaliwan yan!!"
"ay hindi ahh...ewan ko..hindi ko talaga makalimutan yung gabing yun..."
"oo..at lasing ang boy mo diba..sa bangkok"
"teka teka teka..bakit ba nababalik ang bangkok...dami kong bad memories dun ahh....kamuntikan na nga ako mamatay dun...."
"okay...erase erase...so ano yun Isa...what is in your freaking brain?"
"well ganito..since hindi naman talaga kami mag ka sundo ng kapatid ko...at patay na din mommy ko ...gusto ko na mag partways..kesang maubos ni richard lahat ng pera.."
"pano bestfriend"
"well...of course.naka usap ko na mga abogado ko..since wala syang ma produce na cash...alam mo naman bestfriend..ang mga real estate companies..puros assets lang yan...konti lang cash position ng mga yan...so..mag hatian nalang kami...and I want his entire holdings In the San Jose development project"
"ay anak ng baka ka...dun din pala pupunta yun....bestfriend..are you out of your mind?"
"bakit?"
"diba taga dun si boy?"
"oo..bakit..ano kinalaman nya dun"
"ewan ko..pero may naamoy ako ahh...pina iral pa din ang kanyang love.."
"okay..aaminin ko na...gusto ko lang tulungan si jake at boy...para maka position kami sa San Jose..we have bigger assets than JRC holdings..."
"so ibibigay mo lang sa kanilang 2"
"hahahaha..gaga..of course not...I will sell it to them..and ask them for me to be a partner..a major stockholder in Mega Pacific..in that way...taob na ang kumpanya ni kuya at yang JRC holdings na yan..."
"Isa..ano ba yan...too complicated for my brain....may hangover pako"
"your friend..will be a major stockholder of mega pacific..hindi nako marketing head...diba..anong say mo?"
"well pwede...pero alam mo..gagawin mo lang talaga yan para malapit sayo si boy noh?"
"oy hindi ahh....I'm just protecting my interest..saka diba bestfriend..ikaw nag sabi na..dapat kong ipag laban ang mga karapatan ko diba"
"oo naman..matagal na diba..."
"at leche ka..kaya ako napunta ng bangkok..dahil gusto mo akong ma promote sa lecheng shangrila hotel na yun at magkaron ako ng career diba"
"oo naman bestfriend..diba tama ako..look at you now?"
"thank you bestfriend..kaya naman..ikaw talaga ang kasama ko...now..tara na..let's eat..and toast...to the new..board of director...sa Mega Pacific"
"toast bestfriend!"
end of part 2
Part 3 Chapter 2 Isabelle Book 3
Sa Pacific Plaza Bldg sa Fort..
"Jake...ano ini isip mo" sabat ni boy
"hmm...jake tawag mo sakin"
"oo..pag seryoso ako...at saka mukang seryoso ini isip mo ahh"
"oo...nag iisip ako kung pano natin mapipigilan si Carla...para wag magiba ang bayan natin boy"
"hay..Carla nanaman"
"no boy..ikaw ini isip ko...boy tapatin moko..importante ba talaga na ma preserve natin yung lumang bahay nyo dun?"
"sakin mine...kung ma save...eh di save..pero kung wala na tayong magagawa..eh di..wala..ganon lang"
"importante sakin beh...kung ano ang pina hahalagahan mo...mahal kita...at gagawin ko lahat para sayo"
"alika nga dito sa kama...yakapin moko mine..."
lumapit si jake kay boy sa kama...at niyakap ni boy si jake..pero ang mata ni jake..ay naka tingin pa din sa bintana...kung san kita ang malawak na view ng manila at manila bay.....
"beh..wag kang mag alala..magagawan natin ng paraan yan"
"pero jake..promise me one thing"
"what beh?"
"wag na wag kang mag mamaka awa kay Carla please...ayoko...promise mo yan"
"okay beh..I promise ..I won't"
"bakit naman kasi jake...sayo naman talaga ang JRC holdings...bawiin mo sa kanya..eh di tapos na..."
"pinag laban ko naman diba...pero sa paper trail...wala talaga...pina ubaya ko kasi lahat kay Carla nun..kasi diba..hina hunting nyo ko..at ng iba kong kalaban...and of course..I trusted her with all my heart...I never dreamt of this to happen..that me and Carla now would be bitter enemies..."
"okay okay mine..tama na yan...tulog na tayo ha..."
"si baby jacky..nasilip mo na ba?"
"oo..kanina.tulog na tulog na...alam mo...habang lumalaki sya jake..nagiging kamuka mo sya..."
"anak ko kaya sya boy?"
"what?...of course...kamuka mo nga"
"hindi ko alam...naguguluhan ako...at ni hindi ko alam...kung yan ay anak ni Carla"
"napag usapan na natin yan diba?"
"oo..pero magulo pa din..wala akong naalala talaga...na may nangyari sa amin ni Carla sa bangkok...at ang alam ko..nung nag away na kami na pinalaglag nya daw yung bata dahil sa galit nya sakin..."
"jake madali yan..bakit hindi mo pa DNA....para malaman mo kung anak mo nga si baby Jacky"
"pwede....pwede....pero alam mo..mahal ko sya..kahit hindi ko sya kadugo..wala akong paki..kaya hindi ko na din inisip mag pa DNA..diba..what's the use?"
"tama mine..tama...what is important is...tatay nya tayo...at mahal natin sya bilang anak..who cares..kung kaninong dugo sya"
"lika na tulog na tayo...goodnite beh..."
"okay goodnite..." sabat ni boy...pumikit na si jake..pero si boy...nag iisip pa din ng malalim...
end of part 3
Part 4
Kinabukasan...sa office ng Mega Pacific..
Busy si boy sa computer ...naka subsob...ina ayos ang mga accounts ng mga supplier...ng biglang pumasok si Isabelle
"good morning sir boy"
"ikaw talaga..boy nalang"
"can we talk?"
"sure sure...sit down..and close the door"
" I think I can solve your problems in San Jose"
"really?"
"yes"
"how?"
at nag patuloy si Isabelle sa mga proposal nya...at sa gitna nun..ay pinatawag ni boy si jake...dun na silang tatlo nag usap sa proposal ni Isabelle..na una nyang nabanggit kay Sarah sa restaurant...
Medyo nag tagal ang meeting nila...mga arrangement...at legalities ...dun sila medyo nag tagal..at pina assure ni jake kay Isabelle..kung ang loyalty nya ay asa Mega..at hindi sa Metro....
Inabot sila ng mga tatlong oras sa loob ng opisina ni boy...nag iikutan sila sa mesa ni boy ...minsan si Isabelle ang tatayo..minsan si jake..at minsan si boy...at minsan..ginagamit nila ang whiteboard sa loob ng kwarto..explaining San Jose...shares of stocks..etc...
Dun na din sila nag pa deliver ng lunch nila...Pizza lang...saka ice tea...si jake naman..dahil sa excitement sa proposal ni Isabelle..ay humingi ng red wine...at sa bandang huli...eto ang naging usapan nila..
"okay Isabelle..we will present your proposal to the board.let us pray...that they will approve this..as you can see...the shares of lilibeth and mine is only 45% of the total...so if they will approve..your share will add 15%...of course..we have to shed dividends to the stockholders...in terms of cash and stock dividends since you will be injecting around 200 billion worth of assets in this company...and I don't know what will happen to your father's company....for sure Isabelle..mapipilayan sila..." sabat ni jake
"I know...naisip ko na din yan..pero siguro makakaya ni kuya richard yan"
"just be sure Isabelle..with your plans...this is a major decision..."
"I know jake..."
"So...na plantsa na natin ito..boy and I will make the presentation to the board...."
"thanks...sige balik nako sa office ko"
"thanks isabelle..this is good news...unfortunately..bad news for your brother"
"bye" at bumalik si Isabelle sa office nya
Part 5
Kinabukasan...kinausap ulit ni Jake si Isabelle...sa office ni Jake...closed door...
"Hi again...good morning Isa"
"good morning sir Jake"
"sir ka dyan..baka nga mas mayaman ka pa sakin...jake nalang"
"okay jake"
"Isa..meron na bang nakaka alam nito..I mean..your plan"
"ahh...wala..kayong dalawa lang ni boy"
"sure ka..wala na"
"sure"
"kasi....I've thought about this last night...this is very crucial..I mean your decision...what about others..like boyfriend..girlfriend..bestfriend?"
"ay..****..hahahaha..I forgot..si sarah..my bestfriend"
"how old is she?"
"same as me...why?"
"wala..okay...close the blinds...bubuksan ko tv"
"tv?"
"yes...sa ANC..nood tayo ng stocks..."
"why?"
"tignan natin kung may movements na sa Metro Corp at Mega Pacific"
"huh?"
"because if this will leak in the media...or to some insider inside this office or your kuya's office..."
"yes...okay...you see here..sa baba...you see the ticker Isa...okay..that is our stock MGP...now at P3.10...and there is your company...MTC...yan..at P3.40...so far no volume..so wala pang leak.."
"okay...well jake.I'm not really into stocks...so you can trust me..or sarah..she's a junkie"
"I trust you Isa..don't worry..now..this is what we will do..listen well...don't leak this to anyone...at least for a month...after 30 days..your brother will receive the notice..and he will go ballistic..for sure"
"I'm sure..." patawa ni Isang sinabi..na parang wala lang...
"now..what we are going to do..while preparing for the deal..is to buy back our stocks...slowly in the market...kasi...kasi..after the announcement...our stock might shoot up to P5.00 per share...of course there will be some profit taking...but..it will be maintained at that level...now..your kuya's stock..will plummet....so if you have some stocks in your hands..sell it now...your stocks might be penny stocks after the announcement..."
"wow..talaga.."
"wow..yes...my approximation is around P.60 or worst..P.30's level...kaya nga...you have to think..it might lead him to bankruptcy...or he can merge with other corporation...para mabili shares mo...sana wala..para he will give us the San Jose shares....the rest actually..bilhin nalang nyang cash..para we will be cash rich"
"well jake..medyo nahihilo ako sa mga sinasabi mo...basta bahala ka..and regarding to my decision..yes..I'm sure...for boy"
"for whom?"
"ahh...I mean..for you and boy"
"ahh..okay..thanks Isa...we really appreciate it"
"is that all."
"yes..thanks Isa..sige..you can go..."
"okay...sige"
"okay..." at sinara ni Isa ang pinto ng office ni Jake...
end of part 5